Home ENTERTAINMENT Heart, nanganganib, di bibigyan ng show sa GMA?

Heart, nanganganib, di bibigyan ng show sa GMA?

398
0

Manila, Philippines – Labis na nag-aalala ang mga tagasuporta ni Heart Evangelista na idinadamay sa galit ng maraming mamamayan sa asawa niyang si Senator Chiz Escudero.

Ito’y sa kabila ng katotohanang kung ano ang mayroon si Heart ay galing ‘yon sa kanyang pinaghirapan.

Ito’y bukod sa public knowledge that the global fashion icon comes from a well-to-do family.

Heart’s real last name is Ongpauco, the illustrious family that owns a chain of restaurants in the country.

Kaya unfair na sabihan siyang “nepo wife” o “nepo baby.”

Gayunpaman, ‘yung galit ng tao sa mga umano’y tiwali at corrupt na pulitiko tulad ng kanyang mister dahil sa ginawa nitong budget insertions ay nagra-rub off kay Heart.

Dahil nga sa public outrage ay nangangamba ang kampo ni Heart lalo na ang kanyang mga fans na may epekto ito sa kanyang career.

May posiblidad daw kasing isantabi muna ng GMA ang plano nitong bigyan ng bagong show si Heart.

Ang biggest worry ay tatangkilikin ba ito ng mga manonood no matter how well-produced it may be?

Mahirap daw para sa pamunuan ng network na sumugal sa isang show na hindi nakakatiyak na susuportahan ng mga advertisers.

Nakasalalay pa mandin ang anumang palabas sa TV sa advertising support.

Iniisip ding baka maapektuhan ang mga commercial endorsements. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here