Manila, Philippines – Ayaw patinag si Carla Abellana sa nakaambang banta na sama-sama siyang boykotin ng mga DDS o Diehard Duterte Supporters.
At kung hindi man kakayanin na harapin silang lahat sa social media, marami ang handang makipagbardagulan para sa kanya.
Tinawag nga siyang OA, laos, bastos, walang galang, tumatandang bitter and all sorts of names makaraang mapa-“Bull**it!” siya sa balitang “Rodrigo Duterte suffering from impaired memory.”
Eh, sa ‘yun ang bet niyang reaksyon, ‘no!
Kelan pa naging krimen ang mag-react tungkol sa sinumang personalidad, aber!
Hayun, pati nga negosyong sabon ni Carla ay idinamay na rin ng mga DDS na galit sa kanya.
Tinawag nila itong “Dugyot Soap” na dapat daw iboykot at huwag tangkilikin.
Hindi kaya naisip ng ilang DDS na the more nananawagan silang iboykot ang produktong ‘yon ay lalo lang magkakainteres ang consumer