Home ENTERTAINMENT Video ng pagsablay ni Kim sa IV of Spades, ikinakalat!

Video ng pagsablay ni Kim sa IV of Spades, ikinakalat!

334
0

Manila, Philippines – Tinalakan ni Kim Chui ang  netizen na nag-post at ikinakalat pa rin ang video sa X (dating Twitter) kung saan ay nagkamali siya sa pagbanggit ng pangalan ng bandang IV of Spades na nag-guest sa “It’s Showtime”.

Caption ng netizen sa video kung saan pinasalamatan ni Kim ang IV of Spades, “Kim Chiu: “Congratulations “I” “V” of spades.”

Nirepost ni Kim ito sa X account ng “It’s Showtime”  at doon tumalak.

Say ni Kim,  “Let me just clear this out. Bilang mahilig ata tong acct na to sa ‘clout’. Honest mistake, diko talaga sila kilala. Kung naitama ko yung pangalan nila. May magbabago ba? Mababalik ba satin yung ninakaw na TAX natin? I think there is much more problem in PH now than this na mas…”

Pagkatapos ay sinundan pa ito ni Kim ng marami pang posts sa comment section.

Comment pa ni Kim, “This will be the last time I answer this. Right now, there are far bigger problems in our country and even in our own lives than nitpicking on small things like this. Ako nga, my surname is often misspelled as CHUI instead of CHIU………

“Pero never ko naman pinapalaki or ginagawang issue. Ang hirap sa iba, instead of lifting each other up, we pull one another down. Crab mentality.

“Kya walang pinagbago ang Pilipinas. Sana, mas piliin na lang natin magtulungan para sa ikauunlad ng lahat.

“Mas kailangan ng bansa natn ang boses mo doon, sa tunay na laban, sa tunay na problema, sa tunay na kalaban. Pare pareho tayong lumaban sa buhay ng patas. Be considerate. Be kind.”

Nobody’s perfect. May netizens lang talaga na feeling perfect sila.

Pero sa true lang, isa si Kim sa highest taxpayers sa bansa. Milyones ang binabayad niya na buwis.

Kaya ‘di nakakapagtaka kung relate much siya sa nangyayaring isyu sa bansa tungkol sa anomalya sa flood control projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH). Julie Bonifacio

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here