Home ENTERTAINMENT Gerald, banned sa subdivision nina Julia!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Gerald, banned sa subdivision nina Julia!September 28, 2025 07:302930 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines- Strictly no entry.Ito ang ibinigay na instructions mula sa kampo ni Julia Barretto sa tangkang pagpasok ni Gerald Anderson sa kanilang subdivision.Umabot na nga sa puntong banned na ang aktor.Ito ang latest tsika sa Showbiz Update ni Ogie Diaz at ng kanyang mga kasamahan.Kabilin-bilinan daw sa nakatalagang security guard na huwag na huwag papasukin si Gerald.Ito’y sa kabila umano ng intensyon ng aktor na susuyuin lang naman daw si Julia.Na-raise tuloy sa diskusyon kung bakit kinakailangang suyuin ni Gerald ang aktres?Hindi raw ba’t ganoon ay malinaw na may atraso ang lalaki sa kanyang nobya?If so, ano naman?May kinalaman ba ‘yon sa pagkakaroon ng third party umano sa kanilang relasyon, at ito’y sa katauhan ng volleyball player na si Vanie Gandler?Gaano rin daw katotoo na nakarating sa kaalaman ni Julia na bumisita sa gym ni Gerald si Vanie?Maingat si Ogie sa pagkumpirma ng balita, pero isa lang ang tiyak–matagal na raw split sina Julia at Gerald! Ronnie Carrasco III