Home ENTERTAINMENT Arjo, pinapanagot ng AlDub!

Arjo, pinapanagot ng AlDub!

298
0

Manila, Philippines- May ilang mga nakakaaliw na eksena sa Trillion Peso March sa EDSA kamakailan.

Isa na rito ang isang grupo na may dala-dalang placard kung saan ang nakasulat ay: “AlDub pa rin, Arjo papanagutin!”

Ang AlDub na tinutukoy siyempre’y ang tambalan noong Alden Richards at Yaya Dub o si Maine Mendoza, na sumikat sa kalyeserye ng Eat Bulaga noong 2015.

At ang Arjo na tinutukoy sa placard ay ang mister ni Maine–si Quezon City First District Representative Arjo Atayde na isinasangkot ng

mag-asawang Discaya sa korapsyon.

Samantala, may ilang netizens na sumisigaw ng: “Alden pa rin!”

Nag-trigger tuloy ‘yon ng tawanan sa mga rallyista.

Obyus na wala sa kapal ng human population na ‘yon ang mga maka-Arjo at Maine or else ay baka nagkapikunan.

Pero in fairness, hindi na dapat isinasali si Alden sa sigaw ng ilang demonstrador. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here