Home ENTERTAINMENT Fans ni Daniel, dumepensa kay Kaila!

Fans ni Daniel, dumepensa kay Kaila!

288
0

Manila, Philippines- Hindi ang mismong kampo ni Kaila Estrada ang nakikipagbardagulan sa mga fans ni Kathryn Bernardo who look down on her.

Hindi kasi pabor ang mga ito sa balitang si Kaila ang pumalit sa puso ni Daniel Padilla.

Anong credentials daw ba meron si Kaila para makaungos kay Kathryn?

Superstar daw ba ang level ng anak nina Janice de Belen at John Estrada?

Pati educational background ni Kaila’y sinilip din ng mga fans ni Kathryn.

Para sa kaalaman ng lahat ay heto…

Nagsimula munang mag-model si Kaila bago pumalaot sa showbiz.

Graduate lang naman siya ng Bachelor of Arts in Arts Management sa de la Salle-Saint Benilde.

Hindi man kasing-super sikat si Kaila tulad ni Kathryn, acting-wise ay may napatunayan na siya.

She bagged the Best Supporting Actress award for Linlang in 2024 in Asian Academy Creative Awards.

Nominado siya sa Best Supporting Actress category sa ContentAsia at sa Star Awards for TV in 2025.

At saka bakit si Kaila ang pinagdidiskitahan ng mga fans ni Kathryn, why not Daniel?

Ano’ng atraso ni Kaila sa mga Kathryn fans na buong akala nami’y naka-move on na?

I-divert kaya nila ang galit sa ibang tao, huwag kay Kaila na wala namang kasalanan! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here