Home ENTERTAINMENT SB19 Josh, sinabihang ‘sabog,’ umalma!

SB19 Josh, sinabihang ‘sabog,’ umalma!

304
0

Manila, Philippines- Ginamit ng grupong SB19 ang musika bilang  plataporma sa pagtuligsa sa nagaganap na korapsyon sa bansa.

Tagos ang mensahe ng kanilang awiting ‘Kapangyarihan’ na patama nila sa mga tiwaling pulitiko.

Sa nag-viral na clip, inawit ng SB19 members na sina Josh Cullen at Pablo ang kanilang bersyon kung saan napamura rin sila sa mga pinarurunggitan.

May mga bashers namang inokray ang dalawa.

Sey pa ng kanilang detractors, either ‘sabog’  sa droga o ‘lasing’ daw sina Josh at Pablo.

Pansin kasi ng bashers, namumula ang mga mata ng SB19 members at animoý ‘high’.

Niresbakan naman ni Josh ang commenters.

Buwelta ni Josh: “Sa mga nag ccomment na ‘Lasing’? ‘Sabog’? Baka kayo ‘yon.  Tulog ba kayo nitong mga nakaraang linggo?

“Kung wala kang context, huwag na makisali.

“Minsan lang kami magsalita. Pigil pa nga. Weird niyo.

“Nasa Pinas na issue dinadala niyo pa rin sa inyo. Don’t mock people who actually care about what’s happening in our country.”

Nakakuha naman ng mga kakampi sina Josh at Pablo sa kanilang clip.

Ito ang ilang sey ng kibitzers.

“I get that some fans feel disappointed when artists speak up, but with the kind of platform they have—and the fact that they’re active members of society like everyone else—they actually have a responsibility to use it. Speaking up doesn’t make them unethical—it just shows they care about social issues, and fans are free to agree or disagree.”

“Actually, yang kantang yan talaga yung palaging asa utak ko habang nanonood ng hearings sa senate at congress.”

“Salamat kasi binigyan nyo ng salita yung damdamin ng mga tao.”

“I say deserve mamura ang mga kurakot na yan. Nakakagalit naman talaga e.” Archie Liao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here