MANILA, Philippines – Binatikos ng Malakanyang ang kampo ni dating Pangulong Rodrigo “Digong” R. Duterte sa ‘pagbaluktot sa katotohanan’ na may kaugnayan sa kanyang kahilingan na interim release mula sa kustodiya ng International Criminal Court (ICC).
Ito’y matapos na ipaabot ng legal counsel ni Digong Duterte na si Nicholas Kaufman, sa isang redacted document na may petsang Sept. 26, sa ICC’s Pre-Trial Chamber 1 ang di umano’y posisyon ng gobyerno ng Pilipinas, tinukoy ang kamakailan lamang na pahayag ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro.
Sinabi ni Kaufman sa ICC na hindi kokontrahin ng Malakanyang ang interim release plea ni Duterte, base sa naging pahayag ni Castro na “Vice President Sara Duterte seemed to benefit from her travels abroad after she said that a third country already expressed approval to host her father.”
Sa isang kalatas, sinabi ni Castro na si Kaufman “appears to have mastered the art of twisting some facts,” inalala ang kanyang naging pahayag na “tatanggapin umano ng pamahalaan ng Pilipinas ang magiging desisyon ng ICC tungkol sa pansamantalang paglaya na hinihiling ng kampo ni FPRRD.”
“He had done this action before when he asserted that the ICC prosecutor had no objection with former president Duterte’s request for an interim release. However, after the ICC prosecutor filed an opposition, it was revealed to be his false allegations,” ayon kay Castro.
Pinanindigan ni Kaufman na ang administrasyong Marcos ay walang kinalaman sa kaso ni Duterte sa ICC, partikular na ang request para sa isang interim release.
“While the Philippine government is not involved in the matter, it will respect whatever decision the ICC will make, ” ang sinabi ni Castro.
“Again, with emphasis … we want to be clear that the Marcos Jr. administration is not privy to and has no hand in former president Duterte’s ongoing trial before [the] ICC, particularly his request for interim release,” aniya pa rin.
“However, as part of the legal process, no matter what the ICC decides, we will still respect it,” dagdag na wika nito.
Samantala, kinasuhan na ng ICC ng tatlong bilang ng crimes against humanity si dating Pangulong Duterte.
Nabatid na ang “charge sheet” ay may petsa pa noong Hulyo ngunit isinapubliko kahapon lamang.
Inakusahan si Duterte na responsable sa pagkamatay ng maraming indibidwal sa pagkasa ng ‘war on drugs’ ng kanyang administrasyon simula sa Davao City noong 2013 hanggang 2016 at noong siya ang pangulo na ng bansa mula 2016 hanggang 2022. (KRIS JOSE)