Home METRO Brgy. Kagawad, kasintahan na tulak ng droga, tiklo sa Isabela

Brgy. Kagawad, kasintahan na tulak ng droga, tiklo sa Isabela

312
0

ISABELA, Philippines – Isang Barangay Kagawad at kasinatahan nito ang nahuli sa isinagawang drug buy-bust operation ng pulisya sa Brgy. San Vicente, City of Ilagan, Isabela.

Sa direktiba ni PCol. Lee Allen B. “LABB” Bauding, Provincial Director ng Police Provincial Office o IPPO sa kampayan laban sa illegal drugs ay nahuli ang mag live-in na sina Alyas Jeffrey, 56-anyos, Brgy. Kagawad sa lungsod; at Alyas Kat, 49-anyos, isang negosyante na residente rin sa nasabing lungsod na kapwa High Value Individual.

Dinakip ang mag live-in partner matapos maaktuhan na nagbebenta ng isang pirasong heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng white crystalline substance na hinihinalang “Shabu” na may bigat na humigit kumulang 0.2 grams at Php1,360.00 ang halaga ng napagbentahan sa umaktong poseur buyer.

Narekober naman sa kanilang pag-iingat ang ginamit na buy-bust money; sling bag; pitaka; cellphone; at sasakyan na ginagamit ng mga suspek sa transportasyon.

Kaagad na isinagawa sa lugar ng operasyon ang imbentaryo at pagmamarka ng mga kumpiskadong ebidensya sa harap ng mga awtorisadong saksi saka dinala sa himpilan ng pulisya.

Nahaharap ang dalawang magkasintahan ng paglabag sa Section 5 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (REY VELASCO)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here