Home NATIONWIDE Hinihinalang debris ng Chinese rocket lumutang sa dagat ng Palawan

Hinihinalang debris ng Chinese rocket lumutang sa dagat ng Palawan

339
0

MANILA, Philippines – Natagpuan ng mga mangingisda sa dagat na sakop ng Cuyo, Palawan ang hinihinalang debris mula sa rocket na pinalipad ng China.

Ayon kay Philippine Coast Guard spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela, kasunod ng pagkakadiskubre sa debris malapit sa Barangay Fundo, ay agad na ipinaalam ng barangay ang insidente sa Coast Guard Eastern Palawan at mga awtoridad.

Sa inisyal na imbestigasyon, nakita na ang debris ay may kaugnayan sa pinakahuling Long March rocket launch na isinagawa ng China noong Setyembre 16 para sa space exploration, kabilang ang satellite deployment at technological advancement.

Agad na dinala ang debris sa Coast Guard Eastern Palawan para sa safekeeping at itinurn-over sa Philippine Space Agency para sa mas detalyadong analysis, verification at assessment.

Umapela naman ang PCG sa publiko na agad ipaalam sa mga awtoridad kung may makikita pang debris mula sa rocket, at iwasan ang paghawak dito sa posibilidad ng safety hazard. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here