Home METRO 21 katao timbog sa international online sabong sa Bulacan

21 katao timbog sa international online sabong sa Bulacan

1
0

BULACAN, Philippines – Arestado ang 21 indibiduwal matapos salakayin ng mga awtoridad ang kanilang natuklasang “underground” international online sabong operation sa bayan ng Pandi nitong gabi ng Nobyembre 5.

Sa bisa ng Search Warrant mula sa Regional Trial Court Branch 104, Malolos City, sinalakay ng mga tauhan ng Regional Special Operations Group of the Regional Intelligence Division 3, katuwang ang Regional Intelligence Unit 3, Pandi police station,RMFB 3, CIDG 3 at Directorate for Intelligence bandang 6:30 ng gabi ang isang pasilidad na may hinihinalang online sabong sa Brgy. Poblacion.

Sa ulat, tuluyang nadiskubre ng mga awtoridad na sa pamamagitan ng ng dalawang magkahiwalay na studio na may round table ay pinaglalaban dito ang dalawang manok na walang tari at kung sino ang mahuhulog ang siyang talo.

Ayon sa ulat, hindi lamang dito sa bansa napapanuod ang livestreamed nito, bagkus ay maari din pumusta ang mga nasa bansang Mexico, Vietnam at Cambodia gamit ang makabagong teknolohiya.

Nakumpiska sa operasyon ang desktops computers, monitors, professional video cameras, pan-tilt-zoom cameras, camera controllers, audio mixers, microphones, networking devices, mobile phone, assorted electronic accessories at apat na tandang.

Sinasabing masusing iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang kakaibang underground online sabong na umabot na sa abroad ang mga mananaya.

Nahaharap sa kaukulang kaso ang mga naarestong suspek na nasa kustodiya ng mga awtoridad. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here