Home NATIONWIDE Isyu sa affidavit ni Guteza maaaring imbestigahan ng Manila RTC – Lacson

Isyu sa affidavit ni Guteza maaaring imbestigahan ng Manila RTC – Lacson

283
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson na maaaring makatulong ang Manila Regional Trial Court (RTC) sa paglilinaw sa mga isyu kaugnay sa affidavit ni Orly Regala Guteza, ang surprise witness na ipinakilala sa pagdinig ng Senate blue ribbon committee.

Ito ay kasunod ng pagtanggi ni Atty. Petchie Rose Espera na siya ang nagnotaryo, pumirma o nakibahagi sa paghahanda ng affidavit ni Guteza sa kabila na makikita ang pangalan niya sa dokumento.

Sinabi ni Espero na ang kanyang pirma at iba pang detalye ay “falsified and unauthorized.”

Ani Lacson, blue ribbon committee chair, nasa hurisdiksyon ng RTC executive judge na mag-imbestiga sa isyu ng paglabag sa notarized document.

“The Manila RTC can help unravel the mystery behind the now (in)famous Guteza affidavit since part of the executive judge’s function is to investigate violations relating to notarized documents within its jurisdiction,” ayon pa kay Lacson.

“Was he just made to sign a prepared affidavit that he read during the committee hearing, and by whom?” dagdag pa niya.

Matatandaan na sinabi ni Guteza na siya ay security consultant ni Ako Bicol Rep. Zaldy Co at naghahatid ng malaking bulto ng pera sa bahay ni dating Speaker Martin Romualdez at Co, dating House appropriations committee chair.

Tumestigo si Guteza sa pagdinig ng Senate blue ribbon committee, na nag-iimbestiga sa maanomalyang flood control projects.

Itinanggi naman ng dalawang katrabaho ni Guteza na sina Mark Bunagan at Allan Colesio, ang pahayag nito sa magkahiwalay na affidavit na pirmado nitong Setyembre 26.

Pinasinungalingan din ng mga ito ang paghahatid ng cash sa bahay nina Romualdez at Co.

Si Guteza ay ipinakilala ni Senador Rodante Marcoleta sa komite noong Huwebes, na sinabing ini-refer ni dating Rep. Michael Defensor. Ginawa niya ito nang walang courtesy notice. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here