MANILA, Philippines – May ilang pantalan pa ring apektado bunsod ng bagyong Opong batay sa maritime safety advisory ng Philippine Coast Guard (PCG).
Ngayong umaga, Setyembre 28 iniulat ng PCG na nasa 10 pantalan sa ibat-ibang bansa ang namonitor na apektado kung saan 148 pasahero pa ang hindi makapagbiyahe.
Kasama rin sa stranded ang mga truck drivers, cargo helpers, 62 rolling cargo at 12 vessels habang nakasilong naman ang 44 pang barko at anim na motorbancas.
Kabilang sa mga apektadong pantalan at mga stranded na pasahero ay mula sa Southern Tagalog at Bicol region. Jocelyn Tabangcura-Domenden