Home HOME BANNER STORY Mga Senador sa 19 Congress, nag-insert ng P100-B sa 2025 GAA –...

Mga Senador sa 19 Congress, nag-insert ng P100-B sa 2025 GAA – Lacson

370
0

MANILA, Philippines – “Almost all” ng mga senador sa 19th Congress ang nag-inserted ng halos P100 billion sa 2025 General Appropriations Act (GAA), ayon kay Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson.

“Sa Senate pa lang, at least P100 bilyon. Nagulat nga ako, sa individual insertions ito, ito naka-FLR ngayon,” ani Lacson sa isang pahayag.

“Pagkala-laki. Never pa ako nakakita kasi noong araw di pa declared unconstitutional ang PDAF nandoon lang sa hundreds of millions. E ngayon nakita ko ang total, kabuuan at least P100 billion,” dagdag niya.

Nauna na nang itinanggi ni Senador Chiz Escudero ang pagkakaroon at pakikilahok sa “small committee” na diumano ay gumawa ng budget insertions sa bicameral conference committee.

Sinabi rin ni Lacson na hindi pa niya tinitingnan ang House of Representatives, idinagdag na ang listahan ng mga mambabatas na gumawa ng mga katulad na insertion ay mahaba.

Bagama’t hindi naman ilegal ang mga insertion o amendments, ipinunto ni Lacson na kwestyunable ito dahil aabot sa P5 bilyon o kahit P9 bilyon ang mga indibidwal na insertion.

“Sa budget deliberation pwede ko tanungin ito bakit pinayagan ito. Ang pagbusisi, lalo sa plenary, gusto kong malaman ilan sa siningit na insertion ang na-release at papaano na-implement,” aniya.

Ang mga budget insertion ay ginawa umano sa National Expenditure Program (NEP), sa pamamagitan ng tinatawag na “small committee”, ang Bicameral Conference Committee, at ang mga kontraktor na nagbi-bid sa mga proyekto ng gobyerno.

Muling hinimok ni Lacson ang kanyang mga kapwa mambabatas na isagawa ang pagpipigil sa sarili sa pamamagitan ng paglalagay ng badyet.

“Had the meeting pushed through, I would have made a call for self-restraint, especially involving funds for local infrastructure projects under the authority of the District Engineering Office. It would have been a remedial or corrective measure,” ani Lacson.

Ang tinutukoy ng senador ay ang pagpupulong na itinakda noong Biyernes sa pagitan ng Senado at Kamara, ngunit ipinagpaliban ito dahil sa sama ng panahon. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here