Home ENTERTAINMENT Gf ni Ryan, may pahaging na split na sila!

Gf ni Ryan, may pahaging na split na sila!

300
0

Manila, Philippines- Tila sa ibang paraan dinaan ni Paula Huyong ang estado ng kanilang relasyon ni Ryan Bang.

Ito’y sa pamamagitan ng anunsyo na magsasara na ang pagmamay-ari niyang Siesta Horchata Cafè.

Sa Facebook at Instsgram pages ng naturang cafè, hanggang November this year na lang ito mag-o-operate bagama’t may mga natanguan silang events until early next year.

Ang Siesta Horchata ay nasa ikalawang palapag ng gusali located at #33 Scout Santiago, Diliman, Quezon City.

Dito rin matatagpuan ang Paldo, ang Korean restaurant na pag-aari ni Ryan.

Memorable para kay Paula ang Siesta Horchata dahil doon nag-propose si Ryan noong June 29, 2024.

Pero nitong September 5, pumutok ang balitang break na ang magkasintahan.

Ito’y base sa mga burado nang larawan nila sa social media account ni Paula, kabilang ang kanilang engagement photos.

To this day, wala pang kumpirmasyon mula kina Ryan at Paula kung ano na talaga ang estado ng kanilang relasyon.

Pero ipinapalagay ng mga netizens na ang anunsyo ni Paula ukol sa nalalapit na closure ng kanyang cafè ay “low-key confirmation” ng kanilang breakup.

How sad. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here