Home ENTERTAINMENT Direk Joel, may hanash sa mga artistang corrupt!

Direk Joel, may hanash sa mga artistang corrupt!

287
0

Manila, Philippines- “Nakakahiya sila!”

Halos ipagsigawan ni direk Joel Lamangan ang kanyang reaksyon sa tanong kung ano’ng masasabi niya tungkol sa mga pulitikong mula sa showbiz na nakakaladkad sa isyu ng korapsyon sa bansa.

Wari’y diring-diri ang award-winning director sa mga ito.

Hindi nga raw maubos maisip ni direk Joel kung: “Bakit kinakailangan nilang gawin ‘yon?

Hindi maganda!”

Tulad ng karamihan sa atin ay exposed ang direktor sa mukha ng kahirapan as seen in most Filipinos’ lives.

Halimbawa na lang ang mga pamilyang walang pantawid sa mga kumakalam nilang sikmura.

‘Di raw niya mapagtantong may uri ng taong nakukuhang magnakaw sa kabila ng kalagayan ng mga ito.

Labis ngang ikinalulungkot ni direk Joel na: “Taga-showbiz pa naman sila.. nakakahiya!”

Base sa pagdinig sa Senado, mga mambabatas pa manding taga-showbiz ang ilan sa mga sangkot.

Batid ni Joel na may mga taga-showbiz na mas pinipiling manahimik: “Pero ramdam ko ang lungkot sa kanilang mga mata.”

Obserbasyon niya ‘yon sa mismong set ng Batang Quiapo kung saan kabilang siya’t gumaganap bilang si Roda.

Hanggang sa set ay usap-usapan ang talamak na korapsyon.

Tanong–willing ba si direk Joel na makatrabaho ang mga artistang sangkot sa isyu ng katiwalian?

“Hindi!” walang kakurap-kurap na tugon ni direk Joel patungkol sa mga korap. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here