MANILA, Philippines – Kinumpirma ng Philippine National Police nitong Lunes, Setyembre 29 na limang police security escorts na nakatalaga kay Ako Bicol Representative Zaldy Co ang binawi na matapos umalis ng bansa ang mambabatas.
Inanunsyo ni Police Brig. Gen. Randulf T. Tuaño, hepe ng PNP Public Information Office, ang pagbawi kasabay ng press conference ngayong araw.
Bukod sa kumpirmasyon ng pagbawi ng security detail, hindi na naglabas ng anumang impormasyon ang PNP patungkol kay Co.
Kamakailan ay binawi ng Kamara ang travel clearance ni Co at ipinag-utos ang agaran nitong pagbabalik sa bansa.
Binigyan ito ng deadline ng Kamara ng hanggang Setyembre 29, 2025 para makauwi.
Nitong Lunes, kinumpirma rin ng Malacañang na humiling na ang Department of Justice sa Interpol na mag-isyu ng blue notice kay Co. RNT/JGC