Home METRO 5 tiklo sa P23-M ismagel yosi sa Sulu

5 tiklo sa P23-M ismagel yosi sa Sulu

203
0

ZAMBOANGA, Philippines – Nakamit noong Lunes ng mga mandaragat ng Western Mindanao Naval Command (WMNC) ang isang makabuluhang anti-smuggling accomplishment, nang makumpiska ang PHP23 milyong halaga ng smuggled na sigarilyo at naaresto ang limang indibidwal sa labas ng Sulu, sinabi ng isang opisyal nitong Martes.

Sinabi ni Rear Admiral Constancio Arturo Reyes Jr., commander ng WMNC, na nasamsam ang mga kontrabando malapit sa Pandukan Island, Pangutaran, Sulu.

Naharang ng mga tauhan na sakay ng BRP-Herminigildo Yurong ang isang bangkang de-motor na pinamamahalaan ng limang tripulante sa isang maritime patrol.

“This successful operation is another clear message to smugglers and lawless elements that our seas are not safe havens for illegal activities,” ani Reyes.

“WMNC, together with our inter-agency partners, remains steadfast in protecting our maritime domain and our communities,” dagdag niya.

Nasamsam sa motorboat ang 400 master case ng samu’t saring foreign-brand smuggled na sigarilyo na nagkakahalaga ng PHP23 milyon. Ang pagkakakilanlan ng limang naarestong tripulante ay pinigil habang hinihintay ang karagdagang imbestigasyon.

Sinabi ng WMNC na dinala ang motorboat at ang mga kargamento nito sa Naval Station Romulo Espaldon sa Zamboanga City at itinurn-over sa Bureau of Customs.

Ang pagkumpiska ay nangyari isang araw matapos arestuhin ng BRP-Herminigildo Yurong ang dalawang indibidwal at nakuhanan ng PHP2.7 milyong halaga ng smuggled na sigarilyo sa Hadji Muhtamad, Basilan.

Sinabi ni Reyes na patuloy na palalakasin ng WMNC ang maritime security operations sa ilalim ng Comprehensive Archipelagic Defense Concept (CADC), na tinitiyak na mananatiling ligtas at secure ang karagatan ng Western Mindanao. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here