Ito ang seryosong panawagan ni Bayani Agbayani sa legislative branch para ipasa ang death penalty para sa mga korap na opisyal ng gobyerno.
Nakasaad ito sa video sa kanyang Instagram account.
Bago rito’y nanawagan din ng death penalty si Vice Ganda sa kilos protesta na idinaos sa EDSA nitong September 21.
Ang kay Bayani ay death penalty sa anumang paraan–lethal injection, silya elektrika, firing squad.
Partikular na patungkol ito sa aniya’y mga “ganid suwapang at makakapal ang mukhang magnanakaw” sa pamahalaan.
Nais ni Bayani na ipasa ito nang agaran ng Kongreso at Senado.
Aniya: “Fetus pa lang kami, nagnanakaw na kayo hanggang ngayon!”
Pag naisabatas na raw ito’y posibleng mahintatakutan ang mga tiwali sa gobyerno.
Binarag din ng komedyante ang mga political dynasties na kallangan nang buwagin.
“Lolo n’yo, kapatid n’yo, tiyuhin n’yo, pinsan n’yo, mga anak n’yo, kayo-kayo na lang! Dapat mawasak na ‘yang mga political dynasties na ‘yan!” sabi pa ni Bayani.