Home NATIONWIDE P60-B pondo ng PhilHealth, ipapasok sa 2026 budget

P60-B pondo ng PhilHealth, ipapasok sa 2026 budget

354
0

MANILA, Philippines – Inihayag ng Department of Budget and Management (DBM) nitong Martes na nakikipagtulungan ito sa Kongreso at sa Ehekutibo upang maibalik ang ₱60 bilyon sa PhilHealth sa pamamagitan ng 2026 national budget, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Ayon sa DBM, ang hakbang ay “the clearest and most transparent way to strengthen the National Health Insurance Program and directly benefit Filipinos,” at posibleng dagdagan ng special provision sa 2026 General Appropriations Act para tukuyin ang pinagmulan at paggagamitan ng pondo.

Nauna nang sinabi ni Marcos na ang ₱60 bilyong ibinalik sa national treasury mula sa excess funds ng PhilHealth ay ibabalik sa ahensya, at kukunin mula sa government savings, karamihan mula DPWH.

Noong 2024, iniutos ng DOF ang paglilipat ng ₱89.9 bilyong unused subsidies ng PhilHealth sa Treasury. Sa kabuuan, ₱60 bilyon na ang nailipat, habang ₱29 bilyon ang nananatili sa PhilHealth dahil sa TRO ng Korte Suprema.

Ang pondo ay bahagi ng pagtutulak ng administrasyon sa zero balance billing policy sa mga pampublikong ospital. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here