Home NATIONWIDE 30K senior tatanggap ng benepisyo sa Expanded Centenarian Act

30K senior tatanggap ng benepisyo sa Expanded Centenarian Act

326
0

MANILA, Philippines – Tinatayang 30,000 senior citizens pa ang hindi nakatatanggap ng kanilang benepisyo sa ilalim ng Expanded Centenarian Act, ayon sa National Commission for Senior Citizens (NCSC) nitong Martes.

Nakasaad sa batas ang ₱100,000 para sa mga umabot ng 100 taong gulang at ₱10,000 para sa mga umabot ng edad 80, 85, 90, at 95.

Ayon kay Senior Citizens party-list Rep. Rodolfo Ordanes, sponsor ng ₱3.6-bilyong panukalang budget ng ahensya para 2026, nakatakda nang ipamahagi bago matapos ang Oktubre ang cash grant ng 30,000 benepisyaryo para sa 2024, mula sa ₱750 milyong nakalaan para sa 2025.

“Ahead of October, we already paid out 11,536 beneficiaries worth ₱121 million,” ani Ordanes, at idinagdag na ₱1.1 bilyon mula sa ₱2.9 bilyon ang nailabas na para sa 2025 beneficiaries.

Nang tanungin kung matatapos ngayong taon ang backlog, sagot ni Ordanes: “Yes. We have enough budget, and we will be able to pay them out.”

Ngunit iginiit ni Kabataan party-list Rep. Renee Co na dapat maiwasan ang panibagong pagkaantala. “A lot of senior citizens have been waiting for a year for this, and we hope that they will get what they are due as soon as possible,” aniya. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here