Home NATIONWIDE Higit 1 milyong pamilya hinagupit ng mga bagyong Mirasol, Nando, Opong

Higit 1 milyong pamilya hinagupit ng mga bagyong Mirasol, Nando, Opong

275
0
(c) Crismon Heramis

MANILA, Philippines – Umabot na sa 1,080,389 pamilya o katumbas ng humigit-kumulang 4.1 milyong katao sa 16 rehiyon ang naapektuhan ng malalakas na sama ng panahon, kabilang ang mga bagyong Mirasol, Nando, at Opong, ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Miyerkules.

Nasa 22,624 pamilya ang kasalukuyang nasa 1,123 evacuation centers, habang 11,528 naman ang pansamantalang nakikitira sa kamag-anak o ibang lugar.

Naitala ang 37 nasawi, ngunit apat lamang ang nakumpirma sa Cordillera region. Patuloy pang bineberipika ang natitirang 33, karamihan ay mula Bicol at Cagayan Valley.

Ayon sa NDRRMC, 88,743 bahay ang napinsala, kabilang ang 16,025 na tuluyang nawasak. Tinatayang ₱1.64 bilyon ang pinsala sa agrikultura at ₱1.005 bilyon naman sa imprastraktura. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here