Home NATIONWIDE Pekeng opisyal na nanghihingi ng pera, ibinabala ng PAGASA

Pekeng opisyal na nanghihingi ng pera, ibinabala ng PAGASA

285
0
(Photo Representation Only)

Nagbabala ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) laban sa mga indibidwal na nagpapakilalang opisyal at nanghihingi ng pera para sa isang foundation.

Ayon sa PAGASA, nakatanggap sila ng ulat na may nagpapanggap na opisyal ng ahensya na nag-email sa isang contractor upang humingi ng donasyon.

“We do not tolerate and detest that misrepresentation,” ayon sa advisory.

Binigyang-diin ng PAGASA na walang sinuman ang awtorisadong gumamit ng pangalan ng ahensya, ng mga opisyal o kawani nito para humingi ng pabor. Hinimok ang publiko na ireport ang ganitong insidente sa Public Information Unit sa (02) 8284-0800 local 1100–1101 o sa email [email protected]. Santi Celario
.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here