Home NATIONWIDE Bagyong Paolo magpapaulan sa Biyernes

Bagyong Paolo magpapaulan sa Biyernes

361
0

MANILA, Philippines – Nagbabala ang PAGASA na ang Tropical Depression Paolo ay magdadala ng malalakas na ulan, matitinding hangin, at posibleng coastal flooding sa Hilaga at Gitnang Luzon pagsapit ng Biyernes, Oktubre 3.

Ayon sa 11 a.m. bulletin, si Paolo ay namataan 760 km silangan ng Virac, Catanduanes, taglay ang lakas ng hanging 45 km/h at bugso na hanggang 55 km/h. Kumikilos ito pa-kanluran sa bilis na 25 km/h, at may malalakas na hanging umaabot hanggang 360 km mula sa sentro.

Wala pang nakataas na tropical cyclone wind signal ngunit maaaring itaas ang Signal No. 1 sa silangang bahagi ng Hilaga at Gitnang Luzon sa Miyerkules ng hapon. Ayon sa PAGASA, inaasahang lalakas si Paolo bilang severe tropical storm pagsapit ng Biyernes at posibleng maging bagyo bago mag-landfall sa Isabela o hilagang Aurora.

Maaaring umabot sa Signal No. 3 ang pinakamataas na babala, at posibleng Signal No. 4 kung lalakas pa si Paolo bago ito tumama sa lupa. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here