Home OPINION ‘PEOPLE TO PEOPLE DIPLOMACY’

‘PEOPLE TO PEOPLE DIPLOMACY’

187
0

PAUMANHIN kung hindi umabot sa ‘deadline’ ang ating kolum nitong Martes dahil “kinapos” tayo ng oras matapos tayong maimbita bilang isa sa ‘Pinoy resource persons’ sa isang pagtitipon sa Guangzhou, China, simula noong Biyernes hanggang Lunes.

Ang komperensya ay inorganisa ng ‘Center for Philippine Studies’ ng Jinan University, isa sa mga malalaki at respetadong unibersidad sa China, sa temang ‘Retrospect and Prospect: 50 Years of China – Philippine Relations.’

Napapanahon ang pagtitipon na batay sa ‘people-to-people diplomacy’ dahil nga nasa kritikal na yugto ang ating relasyon sa China bunga naman ng pagiging “tuta” ng ‘Tadong Unidos ang karamihan sa mga opisyal ng rehimen ni Pang. Marcos Dayunyor.

Kailangan talagang “sumipsip” ng bongga kay Uncle Sam dahil ang pananatili ng administrasyon sa poder bunga ng krisis nito sa kredibilidad dulot ng talamak na korapsyon at kakulangan ng kakayahan na patuloy na mamuno ay nakabatay sa desisyon ng mga Kano.

Sa kabila ng walang habas na ‘black propaganda’ laban sa China—na pinopondohan ng Imperyalismong US ng $500 million (higit P29 bilyon) kada taon—natutuwa tayo na patuloy ang pagsisikap ng China na “unawain” ang pulso at mentalidad ng mga Pinoy sa tulong ng mga iskolar nito at ng kanyang ‘academic community.’

At sa dambuhalang pondo ng Amerika upang palabasing “masama” ang China sa mata ng buong mundo, partikular sa hanay ng mga Pinoy, “sino” naman kaya sa hanay ng ating media at mga opisyal sa gobyerno ang sekretong nakikinabang, aber?

Sa totoo lang, hangga’t “hawak” ni Uncle Sam ang ating gobyerno ay “mas malabo” pa sa tubig ng Ilog Pasig na gumanda ang ating opisyal na diplomatikong relasyon sa China.

Kaya nga sa komperensya, nagkasundo ang lahat na habang hinihintay ang araw ng ating paglaya sa “kuko” ng Imperyalismong Kano, humanap na muna ng ibang paraan upang mapanatili ang ugnayan ng dalawang bansa, katulad ng ‘people-to-people’ at ‘cultural diplomacy.’

At suportado natin ang mga inisyatibang ito.

Abangan!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here