Home SPORTS Jio Jalalon free agent na

Jio Jalalon free agent na

416
0

NAGING opisyal na unrestricted free agent si Jio Jalalon matapos hindi bigyan ng kontrata ng NorthPort Batang Pier o ng bagong may-ari ng prangkisa nitong Pureblends Corp.

Ayon kay Jalalon, matagal na siyang naghihintay ng alok bago pa man mag-expire ang kanyang kontrata nitong Agosto.

Subalit lumipas ang isang buwan na grace period nang walang komunikasyon mula sa pamunuan.

Kamakailan ay nakitang sumali siya sa ensayo ng TNT, ngunit nilinaw niyang wala pa siyang natatanggap na opisyal na alok. Nag-aalala rin siya dahil puno na ang karamihan ng mga koponan sa PBA.

Aniya, ito ang pinakamahirap na sitwasyong kinasasadlakan niya bilang beteranong manlalaro na bahagi pa ng Gilas special draft noong 2016.GP

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here