Home NATIONWIDE 9 pang bagyo, babayo sa Pinas bago Bagong Taon

9 pang bagyo, babayo sa Pinas bago Bagong Taon

521
0
IPINAKITA ng tauhan ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Council sa kanilang monitor screen ang paggalaw ng super typhoon “Nando” kung saan ay nagbabala ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services (PAGASA) sa publiko para sa mga posibleng pagbaha, pagguho ng lupa, at storm surge dahil ang super typhoon Nando na magdadala ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan habang tumitindi ang habagat. JOJO RABULAN

MANILA, Philippines – Posibleng pumasok o mabuo ang hanggang siyam na bagyo sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) bago matapos ang 2025, ayon sa PAGASA.

Sa forecast ng ahensya, tinatayang dalawa hanggang apat na bagyo ang papasok ngayong Oktubre, dalawa hanggang tatlo sa Nobyembre, at isa hanggang dalawa sa Disyembre. Mula Enero hanggang Marso 2026, isa o wala namang bagyo ang inaasahan.

Inilabas ang naturang pagtataya sa 188th Climate Forum ng PAGASA noong Setyembre 24.

Samantala, ang low-pressure area sa silangan ng Catanduanes ay naging Tropical Depression Paolo na nasa 760 kilometro silangan ng Virac, taglay ang hanging aabot sa 45 kph at bugso hanggang 55 kph. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here