Home NATIONWIDE ‘Di natapos na health facilities ng Discaya, ibinuking ng DOH

‘Di natapos na health facilities ng Discaya, ibinuking ng DOH

283
0

MANILA, Philippines – Ibinunyag ni Health Secretary Ted Herbosa na isang kumpanya na konektado kina Curlee at Sarah Discaya ang responsable sa mga iniwang hindi natapos na pasilidad pangkalusugan sa Zamboanga region.

Sa deliberasyon ng Senado para sa budget ng DOH, sinabi ni Herbosa na natustusan na ang mga proyekto ngunit iniwan ng kontraktor, tinawag niya itong mga “walk-away.”

Tinukoy niya ang St. Timothy Construction, ngunit nilinaw ng DOH audit supervisor na si Ameer Gamama na ang St. Gerard Construction—na pag-aari rin ng Discaya—ang may hawak sa dalawang idle projects: ang ₱133-milyong Mindanao Central Sanitarium at ang ₱22.45-milyong Sindangan Satellite facility.

Ayon kay Gamama, halos tapos na ang mga proyekto ngunit hindi pa rin nagagamit, at ang isa’y ginagawang silid-aralan.

Binatikos ni Herbosa na buo na ang bayad kahit walang final acceptance, indikasyon umano ng posibleng sabwatan sa pagitan ng DOH inspectors at kontraktor.

Nangako siyang iimbestigahan ito at magsasampa ng kaso sa Ombudsman kung may opisyal ng gobyerno na sangkot.

Idinagdag naman ni Senate finance chair Sherwin Gatchalian na natukoy ng COA noong 2024 ang 123 na delayed na kontrata ng DOH na nagkakahalaga ng ₱11 bilyon. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here