MANILA, Philippines – Nanatiling ligtas at madaanan ang Cebu-Cordova Link Expressway (CCLEX), ang pinakamahabang tulay sa bansa, matapos ang magnitude 6.9 na lindol na tumama sa Cebu noong Martes ng gabi, ayon sa Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC).
Sinabi ng MPTC na nagsagawa ng inspeksyon ang CCLEX Corporation sa pangunahing tulay at iba pang road assets at walang natukoy na pinsala.
“The facility remains safe for motorists and continues to be passable,” ayon sa kompanya. RNT