Home METRO P2.6M ismagel yosi, nasabat sa ZamboSur

P2.6M ismagel yosi, nasabat sa ZamboSur

3
0

ZAMBOANGA DEL SUR, Philippines – Nasabat ng pulisya ang mahigit P2.6 milyong halaga ng hinihinalang smuggled cigarettes at dalawang lalaki ang naaresto sa operasyon sa Barangay Lantian, Labangan, Zamboanga del Sur nitong Oktubre 5.

Ayon kay Capt. Derf Jay Maquinta, spokesperson ng Zamboanga del Sur Police Provincial Office (ZSPPO), isinagawa ng Labangan Municipal Police Station ang operasyon alas-2:40 ng hapon matapos makatanggap ng impormasyon tungkol sa pagbiyahe ng mga ilegal na produktong tabako.

Namataan at hinabol ng mga pulis ang isang kulay abong Toyota Hi-Ace Commuter van na galing Barangay Balimbingan bago ito hinarang at nasabat sa Barangay Lantian.

Nang sitahin, hindi nakapagpakita ang dalawang sakay ng mga legal na dokumento para sa pagmamay-ari, pagkuha o transportasyon ng kargamento.

Sa isinagawang imbentaryo kasama ang Bureau of Customs (BOC), nakumpiska ang 45 master cases at 43 reams ng sigarilyo na tinatayang nagkakahalaga ng P2,627,778.

Isinuko sa BOC ang mga nakumpiskang sigarilyo at ang van para sa kaukulang disposisyon.

Nananatili sa kustodiya ng Labangan Municipal Police Station ang dalawang suspek habang inihahanda ng mga awtoridad ang kaukulang mga kaso laban sa kanila. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here