Home NATIONWIDE Mga aktibidad para sa BSKE, kinansela na ng Comelec

Mga aktibidad para sa BSKE, kinansela na ng Comelec

368
0

MANILA, Philippines – Ipinatigil na ng Commission on Elections (Comelec) ang lahat ng aktibidad para sa December 2025 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) matapos maglabas ng memorandum ang komisyon.

Sinabi ni Comelec Chairman Erwin George Garcia sa Kapihan sa Manila Bay na batay sa memorandum, kanselado na ang filing ng certificate of candidacy na nakatakda sana mula ngayong araw hanggang October 7, 2025.

Ayon kay Garcia, ito ay dahil wala pang inilalabas na temporary restraining order (TRO) ang Korte Suprema kaugnay ng mga petisyong tumututol sa pagpapaliban ng BSKE.

Sakali naman aniyang maglabas ng TRO ang Korte, handa ang Comelec na maglabas ng bagong calendar of activities para sa BSKE elections.

Epektibo na aniya ang batas na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nagpapalawig sa termino ng mga opisyal ng barangay at SK at nagpapaliban sa eleksyon.

Nilinaw din ng Comelec na tuloy-tuloy ang kanilang procurement bilang paghahanda para sa mas maagang pagsasagawa ng BSKE sa November 2, 2026. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here