Home NATIONWIDE Emergency loan, alok ng GSIS sa Cebu quake victims

Emergency loan, alok ng GSIS sa Cebu quake victims

329
0

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Government Service Insurance System (GSIS) nitong Huwebes na magbibigay ito ng emergency loan sa mga miyembro at pensioner sa Cebu matapos ang magnitude 6.9 na lindol na tumama sa Bogo City at kalapit na lugar.

Ayon kay GSIS President at General Manager Wick Veloso, “kasama ng GSIS ang mga kawani at retirado ng pamahalaan sa Cebu” at handa itong magbigay ng agarang tulong pinansyal.

Maaaring umutang ng hanggang ₱40,000 ang mga may kasalukuyang emergency loan, at hanggang ₱20,000 naman ang walang utang. Babayaran ito sa loob ng 36 buwan na may 6% interes kada taon, at magsisimula ang unang bayad makalipas ang tatlong buwan. Idedeposito ang loan direkta sa ATM cards ng mga benepisyaryo.

Maaaring mag-apply sa pamamagitan ng GSIS Touch mobile app, GWAPS kiosks, o GSIS e-service portals. Tiniyak din ni Veloso na nakikipag-ugnayan ang GSIS sa mga LGU at sangay nito sa Cebu upang matiyak ang tuloy-tuloy na serbisyo para sa claims, benepisyo, at iba pang programa.

Ayon sa NDRRMC, umabot na sa 72 ang nasawi sa lindol, na nakaapekto sa 47,221 pamilya at nagpalikas sa 20,000 katao. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here