Home NATIONWIDE PBBM personal na bumisita sa Bogo, Cebu

PBBM personal na bumisita sa Bogo, Cebu

344
0

MANILA, Philippines – Dumating na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Bogo City, Cebu nitong Huwebes para personal na i-check ang sitwasyon ng mga biktima ng magnitude 6.9 na lindol na tumama sa nasabing lugar at nag-iwan ng 72 kataong nasawi.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ang lahat ng casualty ay “still for validation.”

Inaasahan namang ibi-brief ang Pangulo kaugnay ng pinsalang dulot ng malakas na paglindol.

Nauna rito, inatasan na ni Pangulong Marcos ang mga ahensya ng pamahalaan na ipaabot ang lahat ng tulong sa mga biktima ng nasabing trahedya.

Nagpahayag din ang Pangulo ng pakikidalamhati sa mga nawalan ng mahal sa buhay dahil sa lindol.

“Buong puso akong nakikiramay sa mga pamilyang nawalan ng mahal sa buhay, at kasama sa aking mga dasal ang kaligtasan ng mga nasugatan at lahat ng naapektuhan ng lindol,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa isang kalatas. (Kris Jose)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here