Home HOME BANNER STORY 2 lugar sa Luzon, nakasailalim sa Signal no. 2 kay Paolo

2 lugar sa Luzon, nakasailalim sa Signal no. 2 kay Paolo

315
0

MANILA, Philippines – Itinaas na ng PAGASA ang Signal No. 2 sa ilang bahagi ng Isabela, Quirino, at Aurora matapos bahagyang lumakas ang Bagyong Paolo nitong Huwebes ng umaga.

Sakop ng Signal No. 2 ang timog-silangang Isabela (kabilang ang Cauayan City, Echague, San Mariano, Dinapigue, at iba pa), hilagang Quirino (Maddela), at hilagang Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan).

Nasa Signal No. 1 naman ang Cagayan, nalalabing bahagi ng Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, at ilang lalawigan sa Hilaga at Gitnang Luzon gaya ng Zambales, Bulacan, Pampanga, Quezon, pati hilagang Catanduanes.

Ayon sa PAGASA, huling namataan si Paolo sa layong 575 km silangan ng Infanta, Quezon, taglay ang lakas ng hanging 75 km/h at bugso na hanggang 90 km/h.

Posibleng mag-landfall si Paolo sa timog Isabela o hilagang Aurora sa Biyernes ng umaga, at maaaring lumakas pa ito bilang bagyo bago tumama. Inaasahan ding lalabas ito ng PAR pagsapit ng Sabado ng umaga. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here