Home METRO Search, rescue and retrieval ops ng PCG, sinimulan sa Cebu

Search, rescue and retrieval ops ng PCG, sinimulan sa Cebu

311
0

CEBU, Philippines – Sinimulan na ang search, rescue and retrieval operation ng Philippine Coast Guard (PCG) sa mga lugar na apektado ng malakas na lindol sa Cebu.

Katuwang ng PCG ang mga kinatawan mula City Disaster Risk Reduction and Management Office at Bureau of Fire Protection.

Katuwang din ng PCG ang mga K9 units dog sa paghahanap sa mga posibleng naipit o na-trap sa mga gumuhong gusali sa Mansueto Street sa barangay Lourdes sa Bogo, Cebu.

Ayon sa PCG, nagkaroon ng positibong indikasyon na may na-trap pa sa loob ng apartelle.

Bumiyahe patungong Cebu sakay ng Philippine Air Force C-130 ang mga tauhan ng PCG kasama ang limang working dogs. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here