BULACAN, Philippines – Isang bus na lulan ang mahigit 40 Grade 1 excursionists ang nasunog habang binabagtas ang North Luzon Expressway’s (NLEX) northbound lane sa lugar ng Barangay Patubig, Marilao, Bulacan noong Miyerkules ng gabi, Oktubre 1.
Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Marilao Bureau of Fire Station (BFP), nagliyab umano ang gulong sa likuran ng bus.
Sinabi ng pulisya na nagmula umano ang bus sa isang amusement park sa Pasay City.
Sinabi ng mga pasahero na nakarinig sila ng malakas na pagsabog na sinundan ng apoy na tumupok sa bus mula sa likuran.
Huminto ang bus at nagsilabasan ang mga pasahero.
Nagdulot ng matinding traffic sa expressway ang insidente.
Wala namang naiulat na nasaktan sa insidente. Mabilis na inilipat sa ibang bus ang mga pasahero na karamihan ay mga bata para maiuwi. RNT/MND