Home ENTERTAINMENT Xian, may bagong pasabog vs Derek!

Xian, may bagong pasabog vs Derek!

354
0

Manila, Philippines – May bagong pasabog na naman si Xian Gaza sa kanyang social media account patungkol kay Derek Ramsay.

Matatandaang nito lang ay idinaan ni Xian sa blind item ang ipinost niyang tsika alluded to Derek and his wife Ellen Adarna.

Wari’y kinumpirma nga ng binansagang Pambansang Sawsawero na hiwalay na nga ang couple.

Bale ba, may reference pa sa dating karelasyon ni Ellen na si John Lloyd Cruz.

Pinakasalan daw kasi ni Ellen si Derek dahil bilyonaryo ito as opposed to John Lloyd na wala itong mapapala kundi kalahating lupa sa paso at limang banig ng Biogesic.

Sinupalpal naman ni Ellen si Xian sa sagot nito.

Samantala, kalmado lang na itinanggi ni Derek ang alegasyon ni Xian.

‘Di pa nakuntento, may follow-up post si Xian tungkol kay Derek na naglasing sa isang bar sa Tokyo, Japan.

Dalawang OFW ang source diumano ni Xian, na ayon sa mga ito’y obyus na naghihinagpis ang awra ni Derek kahit nakangiti pa.

Bukod dito’y itsinika pa ni Xian na sa sobrang lungkot daw ni Derek dulot ng kinahinatnan ng apat na taong relasyon nila ni Ellen ay nag-iiyak daw ito sa kanyang tinutuluyang hotel suite sa Japan.

Dahil sa bagong rebelasyong ito ni Xian, siyempre’y abangers ang mga netizens sa reaksyon ni Derek.

This time around, itanggi pa kaya ito ni Derek? Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here