MANILA, Philippines – Tinatalakay ng Senate Committee on Science and Technology, sa pangunguna ni Sen. Bam Aquino, na dinaluhan ni DICT Secretary Henry Aguda at Baguio Mayor Benjamin Magalong, ang paggamit ng blockchain para mapalakas ang transparency, accountability, at public participation sa budget process ng Pilipinas ngayong Huwebes, Oct. 2.
Kasunod ito ng isinusulong ni Aquino na Philippine National Budget Blockchain Act o Senate Bill No. 1330.
“Lahat ng impormasyon na kailangan ng taumbayan para mabantayan ang pera ng bayan, kayang mailagay sa sistemang ito” CESAR MORALES