Home NATIONWIDE ‘Ghost’ farm-to-market road sa Lanao, nakita na ng DA

‘Ghost’ farm-to-market road sa Lanao, nakita na ng DA

319
0

MANILA, Philippines – Nilinaw ng Department of Agriculture (DA) nitong Huwebes na ang mga farm-to-market road (FMR) projects na naunang napaulat na “ghost” sa Lanao del Sur ay napatunayang umiiral matapos ang beripikasyon ng DA at DPWH.

Ayon kay DA spokesperson Assistant Secretary Arnel de Mesa, unang na-flag ang mga proyekto ngunit kalaunan ay napatunayan na totoong naipatayo.

“Nagpakita sila ng proof at nagpakita na while initially na-report siya as possibly ghost, so noong makita ay existing ‘yung project sa Lanao del Sur,” ani de Mesa.

Gayunman, nananatiling “most likely ghosts” ang pitong FMR sa Davao Occidental na kinasasangkutan ng DISEM Construction.

Tinatayang nagkakahalaga ng ₱105 milyon ang mga ito at nakatakda sanang natapos mula 2021 hanggang 2023 ngunit nananatiling hindi kumpleto.

Sa ngayon, halos 3,000 sa kabuuang 4,700 FMR projects sa bansa ang napatunayang natapos.

Nangako ang DA ng mas mahigpit na monitoring sa ilalim ng bagong joint administrative order kasama ang DPWH, na nag-uutos na hindi maaaring bayaran nang buo ang mga proyekto hangga’t hindi natatapos ang joint inspection. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here