Home NATIONWIDE Go nanawagan ng pagkakaisa: Compassion at house arrest para kay FPRRD

Go nanawagan ng pagkakaisa: Compassion at house arrest para kay FPRRD

304
0

MANILA, Philippines – Nagbigay ng emosyonal na talumpati si Senador Christopher “Bong” Go bilang co-sponsor ng resolusyong nananawagan sa International Criminal Court (ICC) na payagan ang pansamantalang pagpapalaya kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng house arrest, dahil sa lumalalang kalusugan at pag-iisa nito sa kulungan.

“Mr. President, I believe that there comes a time when the measure of a nation is not in the strength of its laws but in the depth of its compassion. Ang tunay na malasakit, simpatya at kalinga natin sa isa’t isa ay ang totoong sukat ng ating makatarungan at makataong lipunan. Pilipino rin po si Tatay Digong,” ani Go.

Ikinuwento ni Go ang ulat ni Bise Presidente Sara Duterte na minsang natagpuan na walang malay ang kanyang ama sa ICC detention facility.

“Last Saturday, nagpalabas ng official statement si Vice President Sara Duterte hinggil sa insidente na kung saan nadatnan ng mga personnel ng ICC detention facility si Tatay Digong na walang malay. Kinompirma din po ito ng kanyang abogado. Kinakailangang dalhin si Tatay Digong sa ospital upang masuri kung meron ba syang injuries, lalong-lalo na po sa kanyang ulo,” dagdag pa ng senador.

Inilarawan niya si Duterte bilang “higit pa sa isang ama,” at ibinahagi ang mga taon ng pagsama sa kanya sa medical check-ups. Nagbabala siya na mas delikado kung lalala pa ang kalagayan nito sa ibang bansa.

Giit ng senador, walang balak umiwas sa pananagutan si Duterte, at ang hinihiling lamang ay kaunting konsiderasyon para sa lider na “nagbigay ng lahat para sa taumbayan.”

“Ang hinihingi lang po natin ay konting konsiderasyon lang po para sa isang Pilipinong naging lider natin noon, na talaga naman pong binigay niya ang lahat para sa ating mga kababayan,” giit pa niya.

Nanawagan din siya ng pagkakaisa.

“Sana po’y matuldukan na ang pagkakawatak-watak nating mga Pilipino. Ang gulo na po ng ating bayan, mas lalong gugulo po kung may mangyari sa kanya.”

“Once again, I am appealing to our colleagues to support and call for the house arrest of former President Duterte, kung ano man po ang pwede nating maitulong sa kanya, bago mahuli ang lahat. Maraming salamat po,” dagdag pa ng senador.

Inaprubahan ang resolusyon sa botong 15 pabor, tatlong tutol, at dalawang abstensyon. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here