Home NATIONWIDE Rollback sa gas, sirit-presyo sa diesel, kerosene aasahan sa sunod na linggo

Rollback sa gas, sirit-presyo sa diesel, kerosene aasahan sa sunod na linggo

190
0

MANILA, Philippines – Inaasahang magkakaiba ang galaw ng presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo, ayon sa Department of Energy.

Batay sa apat na araw ng international oil trading, posibleng bumaba ng ₱0.05 kada litro ang gasolina, habang tataas ng ₱0.50 ang diesel at ₱0.25 ang kerosene.

Ayon sa DOE, nakaapekto rito ang bagong parusa ng US laban sa Iran, plano ng OPEC+ na dagdagan ang produksyon ng langis, at pangamba ng merkado bago ang pulong ng grupo sa Oktubre 5.

Iaanunsyo ng mga kompanya ng langis ang opisyal na price adjustment sa Lunes at ipatutupad ito sa Martes. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here