Home METRO Sunog sumiklab sa Malate, Manila

Sunog sumiklab sa Malate, Manila

409
0

MANILA, Philippines – Sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Malate, Maynila noong Biyernes ng gabi.

Sinabi ng Bureau of Fire Protection (BFP) na nagsimula ang sunog alas-9 ng gabi sa Leveriza Street sa Barangay 705.

Umabot sa ikalawang alarma ang sunog bago ito naapula alas-12:03 ng madaling araw nitong Sabado.

Nasa 100 bahay ang napinsala sa sunog.

Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang BFP upang matukoy ang sanhi ng sunog at tinatayang halaga ng pinsala sa ari-arian.

Walang naiulat na nasawi sa oras ng pag-post.

Naglagay naman ang local government unit ng pansamantalang evacuation center malapit sa apektadong lugar para masilungan ang mga residente. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here