MANILA, Philippines – Halos 6,000 katao sa apat na rehiyon ang naapektuhan ng Tropical Cyclone Paolo, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Sa ulat na inilabas nitong Sabado, Oktubre 4, sinabi ng NDRRMC na 5,979 indibidwal o 1,833 pamilya ang apektado sa 10 lalawigan.
May kabuuang 3,368 residente mula sa Regions 1 at 3 ang preemptively evacuated bago lumakas ang bagyo, habang 4,4317 ang nananatiling lumikas. Sa bilang na ito, marami ang nananatili sa 74 na evacuation center, habang ang iba ay nakasilong sa labas ng mga itinalagang pasilidad.
Si Paolo, na naging bagyo noong unang bahagi ng linggo, ay nagdala ng mga pag-ulan at malakas na hangin sa ilang bahagi ng Northern at Central Luzon. Ang bagyo ay lumabas na sa kalupaan ng Pilipinas matapos tumawid sa hilagang bahagi ng bansa.
Patuloy na sinusubaybayan ng NDRRMC ang mga apektadong komunidad para sa pagtatasa ng pinsala at tulong sa mga pamilyang lumikas. RNT/MND