Home METRO Higit 400 pamilya nawalan ng tirahan sa sunog sa CDO, Davao

Higit 400 pamilya nawalan ng tirahan sa sunog sa CDO, Davao

424
0

MANILA, Philippines – Mahigit 400 pamilya ang nawalan ng tirahan sa magkahiwalay na insidente ng sunog sa Cagayan de Oro City at Davao City noong Huwebes, Oktubre 2, 2025.

Sa Cagayan de Oro City, mahigit 200 pamilya ang nawalan ng tirahan matapos masunog ang isang residential area sa Barangay 17.

Ayon sa mga ulat, maaaring nagsimula ang apoy sa isang bahay na sinasabi ng ilang residente na may mga batang naglalaro ng mga posporo.

Gayunpaman, itinanggi ng ama ng mga bata ang mga paratang ng kanilang mga kapitbahay, at sinabing faulty electrical wiring ang maaaring dahilan.

Sa datos ng barangay, 138 na bahay ang naapektuhan at nasa 204 na pamilya ang nawalan ng tirahan simula ng umaga noong Biyernes, Oktubre 3.

Pansamantalang sumilong ang mga residenteng apektado sa mga tent na nakalagay sa ilalim ng Marcos Bridge.

Nagtayo rin ang barangay ng community kitchen para magbigay ng tulong sa pagkain at umapela ng mga donasyon para matulungan ang mga nasunugan na muling itayo ang kanilang mga tahanan.

“Kung long term kung gusto mag donate kay akong gi-require man gud sa akong barangay nga di na mag allow ug light materials wala nay kahoy so I will be accepting hallowblocks, semento, kabilya para maka structure sila balik kay duol na pasko luoy sab sila di mani magpasko diri ilalom tulay,” ayon kay Barangay Chairman Anthony Atterviry.

Sinabi ng Cagayan de Oro City Fire District na itinaas sa ikaapat na alarma ang sunog dahil mabilis itong kumalat dahil karamihan sa mga bahay na naapektuhan ay gawa sa mixed light materials.

Hindi bababa sa 22 trak ng bumbero ang rumesponde sa insidente. Dalawang bumbero ang nagtamo ng mga sugatan sa insidente.

“Pag residential nga angles mag unattended cooking, electrical ignition caused by overloading or electrical ignition caused by arcing or children playing matchsticks or lighter,” ayon kay Cagayan de Oro Fire District Intelligence and Investigation Chief, Fire Inspector Mary Ranelie Salga.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog.

Tinatayang nasa P1.5 milyon ang pinsala sa mga ari-arian.

Samantala, hindi bababa sa 200 pamilya ang nawalan din ng tirahan matapos lamunin ng apoy ang kanilang mga bahay sa Barangay 21-C, Davao City noong Huwebes, Oktubre 2.

Agad namang rumesponde ang mga bumbero at mga fire volunteer para masugpo ang apoy. Nahirapan ang mga rumesponde sa pagpasok sa lugar dahil sa makikitid na eskinita.

Sinabi ng mga awtoridad na ang malakas na hangin at malapit na itinayo na mga bahay ay nagpasigla sa mabilis na pagkalat ng apoy.

Itinaas ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang sunog sa ikaapat na alarma alas-5:30 ng hapon. bago ito ideklarang fire out dakong 7:27 p.m.

Walang naiulat na nasawi sa insidente.

Agad namang tinulungan ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) ang mga residenteng naapektuhan ng sunog at pansamantalang tumira sa mga gymnasium ng Barangay 21-C at 22-C.

Bumisita din si Acting Vice Mayor Rigo Duterte sa mga evacuation center noong Huwebes para mamigay ng food packs.

Ayon sa mga nakasaksi, posibleng nagsimula ang sunog sa bahay ng mag-asawa sa lugar.

Kasalukuyang bina-validate ng CSWDO ang kabuuang bilang ng mga apektadong pamilya, habang patuloy na iniimbestigahan ng BFP ang sanhi ng sunog at tinatasa ang lawak ng pinsala. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here