Manila, Philippines – The show must go on, and it did sa kaso ni Sheree Bautista kahit may pasa sa mukha at pamumula ng mata.
“Courtesy” lang naman ‘yon ng selosong ex-boyfriend matapos umbagin ang dating Viva Hot Babes member.
Sa podcast na Unfiltered, nagbalik-tanaw si Sheree sa kabanatang ‘yon ng kanyang buhay.
Sa mga ganoon nga namang pagkakataon, malalaman mo kung sino ang iyong karamay.
Rebelasyon ni Sheree, si Maui Taylor daw ‘yon.
”’Yung nagulpi ako, si Maui ang sumundo sa akin sa hospital,” simula niya.
Bumilib daw si Sheree kay Maui na nagawa niya ito gayong hindi pa daw ito marunong magmaneho noon: “Nag-drive siya para
puntahan ako’t sunduin.”
Ang insidenteng pambubugbog daw kay Sheree happened before one of their concerts.
But she had no choice but to perform.
“Nag-50-50 ako before the concert. Sinundo ako ni Maui sa ospital para maka-join ako. So rumampa ako kahit my pula sa mata at bugbog ang mukha,” tsika ni Sheree.
Dahil doon, mas tumibay daw ang friendship nila ni Maui.
But on top of that, nag-iwan ng mahalagang araw kay Sheree ang karanasang ‘yon sa kamay ng isang selosong umbagerong nobyo.
Hindi binangit ni Sheree kung anong aksyon ang kanyang ginawa laban sa dating karelasyon. Ronnie Carrasco III