MANILA, Philippines – Makakaapekto ang Southwest Monsoon o Habagat sa Timog Luzon ngayong Linggo, Oktubre 5.
Ayon sa PAGASA, maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm ang mararanasan sa Palawan dahil sa Habagat.
Bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan naman na may isolated rainshowers o thunderstorm ang iiral sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa dahil sa localized thunderstorm.
Samantala, ang Bagyong Halong (International Name) ay namataan sa layong 2,190 kilometro silangan hilagang silangan ng extreme northern Luzon.
Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 65 kilometro kada oras at pagbugso na hanggang 80 kilometro kada oras.
Kumikilos ito sa direksyong westward sa bilis na 10 kilometro kada oras. RNT/JGC