Home HOME BANNER STORY Paglalagay ng nat’l budget documents sa blockchain, isinusulong

Paglalagay ng nat’l budget documents sa blockchain, isinusulong

238
0

MANILA, Philippines – Isinusulong ng ilang mambabatas ang modernisasyon sa national budget at mapaunlad pa ang transparency sa pamamagitan ng paglalagay ng budget documents ng bansa sa isang blockchain, o isang digital ledger na naka-disenyo para maging tamper-proof record sa lahat ng transaksyon.

Noong nakaraang buwan, inihain ni Senador Bam Aquino ang Senate Bill 1330 o proposed Philippine National Budget Blockchain Act.

Samantala, naghain din si Negros Occidental 3rd District Representative Javi Benitez, ng House Bill 4380, isang counterpart bill sa Mababang Kapulungan na tatapat sa panukala ni Aquino.

Layon ng dalawang panukala na gawing moderno ang budget transparency at accountability sa pamamagitan ng blockchain technology, at gawing available sa publiko, accessible at madaling maunawaan ng mamamayan.

Binibigyang mandato ng panukala ang Department of Information and Communications Technology (DICT) na maging lead implementing agency at inaatasang kumontrata ng qualified private sector partners, technology providers, at academic institutions para sa disenyo, development, deployment, at maintenance ng blockchain system.

Sa kabilang banda, sisiguruhin naman ng Department of Budget and Management (DBM), ang integration ng national budget process sa blockchain-based budget system kabilang ang probisyon ng napapanahon at saktong datos, sa pakikipag-ugnayan sa DICT at iba pang ahensya ng pamahalaan.

Isasama rin ang Commission on Audit sa blockchain technology para sa audit systems at processes nito.

Noong Huwebes, sinimulan na ng Senate Committee on Science and Technology ang deliberasyon sa panukala ni Aquino.

“By no means this is the only solution, but many of us here believe that this can be one of the major solutions to our problems. Putting the budget on the blockchain is a way to ensure that every peso of the people’s money is monitored,” sinabi ni Aquino sa pagdinig.

Inilarawan sa kapwa bersyon ng Philippine National Budget Blockchain Act ang blockchain technology bilang “a powerful tool” sa pagbabago sa national budget at ang “design guarantees accountability.”

Sa pamamagitan ng blockchain, ang lahat ng budget transactions ay magiging transparent, immutable at auditable. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here