Home HOME BANNER STORY 70 na patay sa lindol sa Cebu

70 na patay sa lindol sa Cebu

410
0

MANILA, Philippines – Iniulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Sabado, Oktubre 4 na umakyat na sa 70 ang bilang ng mga nasawi mula sa magnitude 6.9 na lindol sa Bogo City, Cebu noong Setyembre 30.

Ayon sa NDRRMC, ang mga iniulat na nasawi ay kasalukuyan pa ring biniberipika.

Sa hiwalay na mensahe, ibinahagi ng ahensya ang breakdown ng mga nasawi sa mga sumusunod na lugar sa Cebu:

Bogo – 32
Medellin – 14
San Remigio – 15
Sogod – 1
Tabuelan – 1
Tabogon – 6
Borbon – 1

Samantala, ang bilang ng mga nasaktan sa lindol ay nasa 559:

Bogo – 180
Medellin – 66
Tabuelan – 20
Tabogon – 150
Borbon – 8
Catmon – 4
Daanbantayan – 29
San Remigio – 86
San Francisco – 14
Carmen – 2

Wala namang iniulat na nawawala dahil sa lindol.

Sa kabila nito, mayroong kabuuang 128,294 pamilya o 457,554 katao ang apektado ng lindol.

Ang 407 pamilya o 1,347 katao ay tumutuloy sa apat na evacuation center, habang ang 7,942 pamilya o 25,291 indibidwal ay tumutuloy sa ibang lugar.

Kasunod ng lindol, mayroong naitalang dalawang earthquake-induced landslides, isang structural fire, dalawang collapsed structures, at isang chemical leak na naitala sa Region 7.

Mayroon ding tatlo sa pitong apektadong road sections, at anim sa 11 apektadong tulay ang hindi madaanan. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here