Home NATIONWIDE LPA sa labas ng PAR nabuo bilang bagong bagyo

LPA sa labas ng PAR nabuo bilang bagong bagyo

350
0

MANILA, Philippines – Nabuo bilang isang tropical depression ang low pressure area sa labas ng Philippine Area of Responsibility, ayon sa PAGASA nitong Sabado ng hapon, Oktubre 4.

Huling namataan ang tropical depression sa layong 2,285 kilometro silangan hilagang silangan ng Extreme Northern Luzon.

Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 55 kilometro kada oras at pagbugso na hanggang 70 kilometro kada oras.

Kumikilos ito sa direksyong north northwestward sa bilis na 10 kilometro kada oras at malayo sa bansa upang makaapekto.

Samantala, ang Severe Tropical Storm Matmo (o dating Paolo) ay huling namonitor 570 kilometro kanluran ng Sinait, Ilocos Sur at lumabas na ng PAR nitong Sabado ng umaga. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here