Home NATIONWIDE Bagyong Halong ‘di makakaapekto sa bansa; maayos na panahon, asahan

Bagyong Halong ‘di makakaapekto sa bansa; maayos na panahon, asahan

299
0

MANILA, Philippines – Asahan ang maayos na panahon na may isolated rain showers o thunderstorm sa malaking bahagi ng bansa ngayong Lunes, Oktubre 6.

Sa kabila nito, magdadala ng kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) sa Zamboanga Peninsula at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa naman ay magkakaroon ng magandang panahon na may isolated rainshowers dahil sa localized thunderstorm.

Samantala, ang tropical cyclone Halong ay huling namataan 2,105 kilometro silangang hilagang silangan ng extreme Northern Luzon.

“It is slowly moving northwestward and is less likely to enter the Philippine Area of Responsibility,” ayon sa PAGASA.

Sa oras na pumasok ito sa PAR ay papangalanan itong Quedan.

“In both cases, the cyclone is unlikely to affect the weather and sea conditions in the country.” RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here